TADHANA

Naniniwala ako sa tadhana
Na kahit ang tao’y ipinanganak na Malaya
Lahat ay itinakdang maging masaya
Pero ang paniniwala ko sa tadhana
Naging totoo nung makilala kita
Ang tadhana, na dati’y isa lamang paniniwala
Naging pag-ibig nung makilala kita

Alam mo, tadhana sana tayo,
Na kapag ikaw ay kasama ko,
Parang isang pelikula ang buhay ko
Isang pelikula na may script na nakakakilig
May background music na saktong sakto ang timing
At may hinihintay at nakakasabik na happy ending

Itinadhana nga kasi tayo
At kapag hawak ko ang kamay mo,
Nabubuo ang isang munting mundo
Na ang tanging mahalaga
Ay ikaw at ako.
Ikaw at ako
Parang dalawang piraso ng jigsaw
Bumubuo ng isang litrato
Na kumpletong-kumpleto

Wag kang makulit
Tadhana nga kasi tayo
Na parang chemistry
Opposites that attract
Ikaw ang araw
At ako ang gabi
Na parang chemistry
Like that dissolves like
Na tayong dalawa
Kapag magkasama
Ay nagiging iisa

TADHANA
TAYO
Itinakda ni Bathala
Pinagtagpo ng mundo
Pinagkasundo ng buhay
Sa isa’t isa’y
Naging alay
Pero…
Kakapagod nang ipilit.

Tadhana nga ba tayo?
Dahil bakit ibang tadhana ang hanap mo?
Ikaw lang ang para sa’kin
Pero hindi lang pala ako
Ang para sa’yo
Kung tadhana tayo
Bakit di ako kasama
Sa mga pangarap mo?

Kung tadhana tayo
Bakit kelangan ko pang ipilit?
Ang tadhana pala’y sadyang mapait
Bakit ako nagtatanong ng bakit
Bakit ako
Kelangang maghabol
Kung para sa iyo
Ako’y iniukol
Ako’y napapagod
Nang maghabol
Dati ako’y naniniwala sa tadhana
At dahil dito
Parang wala akong mapapala

Tadhana nga tayo
Pero sabihin ko man ng sabihin
Lumaban man ng lumaban
Umasa nang umasa
Kung ‘di mo pakikinggan
Kung ako lang ang lalaban
Kung ‘di mo paniniwalaan
Kung patuloy lang akong masasaktan…

Ang tayong itinadhana
Patuloy lang na magiging sana
Mananatili lang na tadhana
At sa takdang panahon
Talagang sinasabi ko sa’yo
Matagal mang dumating
Tadhana man itong ituring
Sinasabi ko sa iyo
Ang tadhanang ito
Malilito
Mapapagod
Magbabago
Magsasawa
At sa wakas
MAWAWALA

Naniniwala pa rin ako sa tadhana
Sana lang hindi ako sa’yo naniwala
Naniniwala ako sa tadhana
Na ang tao’y itinakdang sumaya
Kung sa lintik na tadhanang tulad mo
Ako’y makakalaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s